Friday, October 18, 2019

Fake news

Fake news" ang pinili ng Collins Dictionary na word of the year bunsod ng pagkalat nito at "walang kapantay na paggamit."

Gayunman, iba-iba ang mga kahulugan ng termino, at kung minsan ay nagkakasalungat. Narito ang isang lisFake news" ang pinili ng Collins Dictionary na word of the year bunsod ng pagkalat nito at "walang kapantay na paggamit."

Pinakabagong biktima ng internet celebrity death hoax ang action superstar na si Jackie Chan.

Noong isang linggo, inanunsyo sa facebook page ang katagang “RIP Jacke Chan” at namatay umano ang aktor alas-11 ng umaga noong Miyerkules.

“At about 11 am on Wednesday, our beloved actor Jackie Chan passed away.  Jackie Chan was born on April 7, 1954 in Hong Kong.  He will be missed but not forgotten.”

Naniwala naman sa impormasyon ang global associated news, na siyang nagreport ng pagkamatay ng aktor sa isang film shoot sa Austria.

Bunsod nito, inupdate ni Jackie Chan ang kanyang facebook account sa pamamagitan ng pagpo-post ng bagong litrato para patunayan na siya ay buhay pa.